Jump to content
Stake Community
eldrindcm

coins.ph Cashout Options

Featured Comment

Unti-unti na yatang naglalaho ang mga "magaganda" o "preferred" na mga cashout option sa coins.ph. Para sa akin, Cebuana Lhuillier ang pinakamagandang option sa pag-cashout ng pera sa coins.ph na higit sa PHP 10,000 ang halaga, bukod sa mababa ang fee, instant pa ito. Pero noong medyo nagtagal, bigla nalang bahagyang tumaas ang cashout o transaction fee ng Cebuana Lhuillier. Medyo kaya pa naman dahil wala naman choice lalo na kapag sobrang kailangan mo na talaga mag-cashout. Hanggang sa tuluyan ngang tumaas ng sobra ang cashout fee sa Cebuana Lhuillier. At noong Oktubre, inanunsyo na nga ng Cebuana Lhuillier na simula sa March 2019, hindi na sila magpprocess ng anumang coins.ph cashout transaction.

 

 

Doon ko na-appreciate ang e-GiveCash ng Security Bank, within a minute maaari mo nang i-withdraw ang iyong cashout, cardless ang transaction at sobrang minimal din ng fee! ATM nalang ang kalaban, mabuti nalang at may malapit na ATM sa amin. Ang problema lang, PHP 5000 per transaction lang ang maximum na pwede mong i-withdraw, masyadong hassle kung malakihan ang nais mong i-cashout, pero kung hindi naman kalakihan, ito ang best choice! Ngunit noong Nobyembre, bigla nalang naging unavailable ang option na ito dahil magsasagawa DAW ng system maintenance, hinala ng karamihan, matatanggal na din bilang cashout option ang e-GiveCash (sobrang sayang kung sakali!).

 

image.png.4b31136d575c5600b10e91335f4aba1e.png

 

Dahil nga sa mataas na ang fee ng Cebuana Lhuillier at hindi available ang e-GiveCash ng Security Bank, naghanap ako ng ibang option na hindi mabigat sa bulsa at mabilis, ayos din naman kung bank deposit, pero kailangan mong i-cashout bago mag-10 AM upang maproseso ito at maideposito sa parehong araw (6 PM), at akin ngang nahanap ang LBC Instant Peso Padala. Sobrang minimal din ng fee at instant din ang pag-cashout, hindi mo kailangan maghintay ng oras, ngunit PHP 50,000 lamang ang maximum amount na maaaring i-cashout bawat transaksyon, kung hindi naman kalakihan ang icacashout, ayos na ito lalo na kung may malapit na branch sa inyo.

Kayo, ano ang karaniwang cashout option ang ginagamit niyo? Swak ba sa bulsa ang transaction fee? Instant ba? Share mo lang! :)

Share this post


Link to post
Share on other sites
12 hours ago, xtinepink said:

Ngayong ko lang nalaman na hindi na pala pwede magcash out sa cebuana, ito talaga yung ginagamit ko noon pa. Pero okay pa rin ba ang cashin dito o tatanggalin din nila? Parang nakakapagtaka lang ang mga pangyayaring ito. Sana lang talaga magkaroon pa ng ibang paraan para makapagwithdraw at pati na rin sa cashin. 

Pwede pa naman, pero hanggang March 2019 nalang. Wala naman nabanggit na hindi na din sila magpprocess ng cashin so baka tuloy pa din, cashout lang talaga siguro ang tatanggalin. Sana nga magdagdag pa sila ng option na minimal lang ang transaction fee o much better kung walang transaction fee at instant din ang pagdating, yung tipong icacashoout mo palang, nasend na agad sa 'yo ang cashout details 😂 Pero seryosong usapan, tulad sana ng e-GiveCash, walang hassle e.

Share this post


Link to post
Share on other sites
6 minutes ago, eldrindcm said:

Pwede pa naman, pero hanggang March 2019 nalang. Wala naman nabanggit na hindi na din sila magpprocess ng cashin so baka tuloy pa din, cashout lang talaga siguro ang tatanggalin. Sana nga magdagdag pa sila ng option na minimal lang ang transaction fee o much better kung walang transaction fee at instant din ang pagdating, yung tipong icacashoout mo palang, nasend na agad sa 'yo ang cashout details 😂 Pero seryosong usapan, tulad sana ng e-GiveCash, walang hassle e.

di ko gets yung sinasabi about sa e-giveCash na cardless? may specific ba na atm machines yun? not sure lang dito kasi sa amin kasi di pa ako nakapagtanong. Siguro baka sa mismong bank talaga pupunta para makapagwithdraw?

Share this post


Link to post
Share on other sites
15 minutes ago, xtinepink said:

di ko gets yung sinasabi about sa e-giveCash na cardless? may specific ba na atm machines yun? not sure lang dito kasi sa amin kasi di pa ako nakapagtanong. Siguro baka sa mismong bank talaga pupunta para makapagwithdraw?

Sa mga Security Bank ATMs lang maaaring magwithdraw since Security Bank ang nag-ooffer ng e-GiveCash; cardless ito, 16 digit number at 4 digit pin lang ang kailangan, labas pera agad; basta may Security Bank ATM, pwede makapag-withdraw :)

Share this post


Link to post
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now

×