Jump to content

Kelan ka nagising sa crypto-world?


Featured Comment

Hello peeeeeps!

Gusto ko kayong tanungin kung kelan kayo unang naging interesado sa crypto, ano ang naging experience nyo, etc.

Ako ay nagsimula maging interesado sa crypto nung bumagsak ito nung 2017  year end. Naalala ko pa nun na scam kasi si kuya. Naginvest sya sa bitcoin ng 200k php tapos nung tumaas na ang presyo naging 1m na mahigit. Sa kasamaang palad, itinakbo ito ng kaibigan nya tapos sinarili ang investment nilang magkakabarkada. Mula nun naisip ko ano ba tong crypto nato bakit parang ang dami naman ata pera dito.

Tapos ayun research research ako. Una bumulagta sa akin ang mga HYIP sites. "double your bitcoin" ang madalas nila sinasabi haha mga kupal naman. Kung di nascam si kuya dati siguro magiging medyo mapagtiwala ako pero not anymore. Hirap na, baka maloko nanaman. Tapos research research pa bakit tumataas presyo ganun san pwede makakuha ng coins, tapos dun na ko napadpad sa primedice nung nakakita ako ng ad na nagsabing "play free and win big". Mahaba na storya to kaya putulin ko na dito haha.

Mula nun unti unti na ko naging aware sa crypto kahit madami dito sa pilipinas na hindi nga alam na nageexist pala ang crypto. Kayo kelan ba kayo namulat sa mundo ng crypto? Meron ba sainyong kumita nung tumaas ng todo ang presyo nito?

 

Link to post
Share on other sites

Nagsimula ako sa mga free, mga faucets ba. Active member kasi ako dati (mga 2012-2017) sa Symbianize na ngayon ay Mobilarian na tapos tambay ako sa Web Offers board. Hunter kasi ako ng mga pwedeng pagkakitaan online kahit college pa lang. Kaya sobrang pagsisisi ko nung biglang taas yung presyo ng bitcoin kasi nung mga panahong sobrang sipag ko pa na mangulekta sa mga faucet ay malalaki pa ang bigayan. Tapos makaipon lang ng minimum ay trade to USD na agad ang ginawa ko. Kung hinold ko siguro yun ay nakabuo na ako ng isang coin.

Link to post
Share on other sites

Sayang Jinz! pero kahirap din kasi madetermine no, malay natin kung babagsak na, o kaya pinakamataas na ba ang kasalukuyang presyo Isama pa ang pangangailangan magwidraw dahil sa kailangan na ng pera. Ngayon, Kahit ako taas na taas na ko sa presyo ngayon pero alam kong tataas pa to matapos ang ilang taon. Di ko na alam gagawin ko, ang hirap din kasi umasang tataas pa ng todo. Haha

Link to post
Share on other sites
10 minutes ago, ceastem said:

kahirap din kasi madetermine no, malay natin kung babagsak na, o kaya pinakamataas na ba ang kasalukuyang presyo Isama pa ang pangangailangan magwidraw dahil sa kailangan na ng pera.

Oo, saka nung college kasi ako halos di na ako humihingi ng allowance sa Mama ko kasi nga may sources of income naman ako kahit paano dahil sa mga sidelines ko online non. Kaya benta lang ako ng benta ng BTC galing faucets noon basta makita kong mas mataas na yung presyo kumpara sa nakaraang araw, mas mataas ang benta mas malaki ang allowance.

2 minutes ago, ceastem said:

Di ko na alam gagawin ko, ang hirap din kasi umasang tataas pa ng todo. Haha

Totoo yan, baka hanggang asa na lang tayo haha. Kaya ngayon yung mga alt coins na mura pa tapos pasok sa top 20 ng CMC ang balak kong bilhin, umaasa talaga ako sa future ng cryptocurrencies na mas lalong tataas ang presyo limang taon o sampung taon mula ngayon. Basta hold lang. Malay natin pagdating ng panahon na retiring age na tayo eh milyon na pala ang halaga ng mga coins na hold natin. (Please please please. Magkatotoo ka.) 😂

Link to post
Share on other sites
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...
On 6/26/2019 at 10:08 AM, br1 said:

Year 2014, nakita ko lang sa mga friends ko na kasali sila sa bitcoin group sa facebook tapos nag basa basa ako tungkol sa bitcoin na ito pala ay pera sa internet tapos nagtuloy tuloy na yung research ko :)

Grabe napakaaga mo pala nakaalam sa BTC.

Siguro tiba tiba ka nung nag ATH nung 2017? Kainggit grabe. Haha

Link to post
Share on other sites

Naaalala ko nung una kong pasok sa crypto ay March 2017, dahil sa pagpasa sakin ng Coins.ph link

naging mapagobserba at panay research ko noon sa crypto nung mga unang linggo, hanggang napunta ako sa coinpot(halos dito yata nagsimula karamihan hehe) 

dahil sa kagustuhan kong kumita at mapalaki ang pera.. naginvest ako sa auroramine at lazer online, at sa di kagandahang pagkakataon ako ay nascam, hanggang 

may nagpasok sakin sa online casino(di pa dito ang una) haha, hanggang awa naman ng diyos ay nakakawd na at yun ang pinanginvest ko sa trade, na hanggang ngayon ay kumikita pa :)

 

Link to post
Share on other sites
23 hours ago, yomzkie said:

hanggang napunta ako sa coinpot

Ako sa freebitco ako nagsimula. Naakit kasi ako dun sa jackpot daw. Kaso ilang buwan na ko don di ko pa natatamaan kahit malapit lang. HAHA

Naaalala ko marami din dito sa freebitco nagsimula kaya napakatrusted ng site nayun. Madami din dito nag iinvest dun kasi lumalaki konti konti. Haha

 

Link to post
Share on other sites
1 hour ago, ceastem said:

Ako sa freebitco ako nagsimula. Naakit kasi ako dun sa jackpot daw. Kaso ilang buwan na ko don di ko pa natatamaan kahit malapit lang. HAHA

Naaalala ko marami din dito sa freebitco nagsimula kaya napakatrusted ng site nayun. Madami din dito nag iinvest dun kasi lumalaki konti konti. Haha

 

Di ko na matandaan kung nagfreebitco ba ako o hindi, haha.. sa dinami rami ba naman noon ng faucet na libre, di ko na maalala

pero nung una na di pa gaano uso ang crypto, naranasan ko rin mag clixsense, neobux etc., ang paraan pa ng pagbabayad pa noon ay paypal tapos 

Unionbank eon card, sobrang oldskul.. di gaya ngayon na madali na gaya ng coins.ph tapos kukunin na lang sa mga pinakamalapit na remittances :)

Link to post
Share on other sites
18 minutes ago, yomzkie said:

pero nung una na di pa gaano uso ang crypto, naranasan ko rin mag clixsense, neobux etc., ang paraan pa ng pagbabayad pa noon ay paypal tapos

Sa mga site na yan ako nagsimula. 4th year high school ako napasok ako sa mga PTCs pero never nakawithdraw hahahaha. Hanggang sa natuklasan ko na ang mga faucet shout out kay freebit :D

Link to post
Share on other sites
On 7/7/2019 at 1:40 AM, jinz said:

Sa mga site na yan ako nagsimula. 4th year high school ako napasok ako sa mga PTCs pero never nakawithdraw hahahaha. Hanggang sa natuklasan ko na ang mga faucet shout out kay freebit :D

Nakakainis naman mga PTC sites nayan. Ang daming oras at effort igugol mo pero ang liit bayad sayo. 

Buti pa dito isang komento ko lang 3k sats na. Haha

Isang araw ko na mahigit yun sa mga gripo. xD

Link to post
Share on other sites
44 minutes ago, ceastem said:

Nakakainis naman mga PTC sites nayan. Ang daming oras at effort igugol mo pero ang liit bayad sayo. 

Buti pa dito isang komento ko lang 3k sats na. Haha

Isang araw ko na mahigit yun sa mga gripo. xD

Sinabi mo pa, parang pyramiding din yang PTC eh, yung mga maraming invites lang ang malaki ang nakukuha tapos minsan kailangang mag-upgrade pa para mas tumaas ang bayad sa bawat click.

Kung faucet siguro ang pinagtuunan natin ng pansin noon mas marami pa tayong pera ngayon. Haysss.

Link to post
Share on other sites
On 7/7/2019 at 1:40 AM, jinz said:

Sa mga site na yan ako nagsimula. 4th year high school ako napasok ako sa mga PTCs pero never nakawithdraw hahahaha. Hanggang sa natuklasan ko na ang mga faucet shout out kay freebit :D

Old skul din pala talaga tong si jinz hehe.. nakawd naman ako sa paypal, kaso thru gcash na.. pinalumot ko muna yung funds ko sa pyapla bago ko nawithdraw :P

On 7/14/2019 at 11:47 PM, ceastem said:

Nakakainis naman mga PTC sites nayan. Ang daming oras at effort igugol mo pero ang liit bayad sayo. 

Buti pa dito isang komento ko lang 3k sats na. Haha

Isang araw ko na mahigit yun sa mga gripo. xD

Sinabi mo pa.. yun pa lang ang unang pinagtiyatiyagaan ko non haha, hanggang sa napunta sa crypto.. meron isang malaki magbigay noon gagabux yata yon sa pagkakaalala ko :D

Link to post
Share on other sites
14 hours ago, yomzkie said:

Old skul din pala talaga tong si jinz hehe.. nakawd naman ako sa paypal, kaso thru gcash na.. pinalumot ko muna yung funds ko sa pyapla bago ko nawithdraw :P

Nalaman ko yung PTC dahil sa facebook page ni Team PinoyDeal, grabehan kasi yung laki ng mga "payment proofs" kaya sinubukan ko hahahaha. Pero dapat sa faucet na lang ako nag-aksaya ng panahon ko non. Soyong.

Link to post
Share on other sites
  • 6 months later...

Nagsimula ako nong makilala ko at makapasok ako sa isang pinoy group na nagttrading sa stock market noong 2016. Tapos meron silang isang member na maraming alam sa crypto inintroduce niya ito sa kanila. Tinuruan nya magtrading ang buong grupo sa group chat liban sa stocks may mga discussion din sila sa bitcoin. Nacurious ako tungkol dun nagbasa basa. Nakapagsign up sa exchanger at nakaumpisa makapagtrade. Naghanap din ng mga libreng site later on natuto magfaucet maganda pa ang bigayan ng satoshi noon sayang at nabenta ko agad. Nainvite ako sa discord at telegram natuto sa pabounty at airdrops. Dun ko rin nalaman ang mga gambling sites.

Link to post
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now

×
×
  • Create New...