Jump to content
Stake Forum
jhiaganda

anu ba ang sugal?

Featured Comment

ang sugal ay isang klase ng libangan na may kasamang pera at pagtaya nito, masasabing sugal ang libangan kapag dito ay maaaring kang manalo o matalo, ndi masasabing sugal ang isang libangan kapag sigurado kang mananalo ka, o siguradong matatalo ka.

 

maraming klase ng sugal mamaya magbibigay ako ng mga halimbawa, 

 

-paano masasabing ikaw ay naglilibang o adik na sa sugal?

 

isang senyales o sintomas na ikaw ay naaadik na at dapat ng tigilan ang pag susugal ay kung ndi mo na mapigilan ang pagsusugal, halimbawa natalo kana, tapos gusto mong bumawi, naisip mong isanla ang iyong gamit pra meron kang pansugal , isa sa pinakamaling pagiisip ng manunugal ay ang kagustuhang makabawi, isipin mo, natalo ka na tapos sa kagustuhan mong makabawi ay ibebenta or isasanla mo ang gamit mo? hindi ba dpat ay tumigil nlng muna at maghintay magkaroon ng extrang pera bago muling magsugal, at isa pa , bkit gusto mong makabawi lang? dhil kung tlgang nagsusugal ka at hindi naglilibang, dpaat ang gusto mo eh manalo, haha, wag na wag mo iisiping makabawi, dhil lalo k lng matatalo.

 

-mga paraan pra maiwasan ang pagsusugal:

 

1.wag isiping tumaya, umiwas

2.kapag naisipang magsugal ipagpamamaya na muna, dealying tactics, 

3.wag pumunta sa lugar ng temtasyon

4.ilagay sa tamang lugar ang pera

5.ilipat ang atensyon

 

-paliwanag:

 

1. wag isipin, sa oras na inisip mong magsugal , ikaw ay magususgal, kasi kung anu ang nsa utak ng tao un ang gawa ng tao, kya mas maganda wag mo isipin dhil aggawin mo tlga un.

 

2. delaying tactic pangalawa sa mga pinakamagandang paraan pra makaiwas, pag naisip mong magsugal, isipin mo maya maya nlng, after 15 mins, after 15mins isipin mo ulit mamaya nlng after another 15 mins, hanggang mawala n ang urge mo magsugal. 

 

3.kung wala kang nakikitang pdeng pagsugalan, ndi mo maiisip magsugal, so kung sa lugar nyo eh madaming sugalan, kailngan mo ng lumipat ng bahay o tirahan, 

 

4.ilagay sa tama ang pera, wag magdala ng pera, ibanko, ipahawak sa magulang o ipunin ito, pag nakakita ka ng sugal at may pera ka , mapapataya ka parin, wag humawak ng sobrang pera

 

5.ilipat ang atensyon, humanap ng libangan upang ndi maisip ang pagsusugal.

 

sana nkatulong ang mga tips na ito kung panu iwasan ang pagkasira ng iyong buhay, credit to my experience

 

mga pangit na epekto ng sugal, 

 

1pagnanakaw

2pagsisinungaling

3pagpatay

 

 

tatlo lang ang ibibigay ko pero halos lahat ng kasalanan ey naguugat sa sugal, 

 

1.pagnanakaw, kapag natalo kana, naubos na ang gamit na pdeng ibenta, maiisipan mong magnakaw, sa una sa magulang mo plang, pagtagal natututo ka n rin magnakaw sa iba, totoo yan maniwala ka

 

2. kapag nagususgal ka at natalo ka magnanakaw ka, kpag nahuli ka , d mo aaminin ang ginwa mo, kung naubos ang pera mo hinanap ng asawa o magulang mo ang pera mo, magisisnungaling ka, kapag natalo ka at kailngan mo mangutang magsisinungaling ka! kapag sinisingil ka na at wala kang pambayad dhil talo ka, magsisinungaling ka!! hayop!

 

3.maaaring makapatay ng dhil sa adiksyon sa sugal, pag ndi kau nagkaintindihan ng iyon kalaro, at talo ka na, mainit ulo mo, maari mong maisipang pumatay, totoo po ito, kya kailangan mong maging malawak kapag ikaw ay sugarol, 

 

marami p pong iba, ang lahat ng ito ay base sa aking experience, maaaring totoo sakin at hindi sa iba, pero maaring mangyari sa inyo ito kung kau ay adikted na, 

 

mga nasasayang sa pagsusugal, 

 

ORAS

PERA

REPUTASYON

KATINUAN

ASAWA- yes maari ka pong iwan ng asawa mo dhil sa pagkaadik sa sugal.

 

ieedit ko po itong post na to kapag may idadagdag po ako, 

 

isang payo lng po, isa sa mga pinakamagandang paraan pra makaiwas sa sugal ay ang pagsisimba at paglapit sa dyos. d ko na ipapaliwanag kung bakit,, pero sa lahat ng problema, dyos lang po ang kasagutan, pag lumapit ka sa kanya, d mo na kailngan magtanung, once lumapit ka alam mo n kagad ang kasagutan, promise subukan nyo po.

 

 

salamat

Share this post


Link to post
Share on other sites

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Restore formatting

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.


×