Jump to content

Istorya pano kami naSCAM ng daan daang libo

ceastem

Featured Comment

So eto istorya ng tatay ko kelan lang.

Nagkitakita sa swimming si dade, kasama ang mga kapatid, at matalik nilang kaibigan nuong bata pa sila (di ko matandaan pangalan) tawagin nalang natin syang pedro.

si pedro ay makikita mong may kaya na dahil sa alahas, mamahaling kotse, at iba pa.

Naghain sya saamin ng investment plan. Parang HYIP ba na may return na 10% per week for 12 weeks, kaya may 20% profit ka. Ayun since matalik na kaibgan nila dade si pedro, walang alinlangang nag invest si dade ng 100k.

matapos ang isang linggo, nagbayad naman ng pinangakong 10% si pedro. Dahil dito, nainggit ang mga kapatid ni dade at nagsi invest nadin ng malaking halaga. Yung isa pa nga nangutang pa sa banko ng 500k para lang maiinvest.

ayun, sumunod na linggo, naglaho na sya parang bula kasama pera namin. Nawala tiwala at napuno ng galit ang pamilya ko sa kanya. Dami nga nagsasabi papatayin daw nila yun oras na mapadpad samin yun.

Nagfile nadin ng kaso at kung ano pa man, pero di talaga sya makita kung nasan na sya.

Tapos, sabi nung kapitbahay namin, nakikita daw nya sa casino madalas yun! Dun pala nya pinaparami o winawala ang perang iniinvest sakanya pero ngayon ala na sya dun.

Ang pera namin, lingid sa aming kaalaman ay pinangsusugal lang pala, tapos tatakbo.

Kaya kayo guys, wag kayo magtitiwala sa mga tao basta basta, kahit gaano nyo pa sila kakilala, minsan talaga natutukso din. Keep safe guys! Sana maging lesson to para sainyo at hindi na kayo matulad samin na naloko ng sugalero :) 

Link to post
Share on other sites

ganun na kasi ang kalakaran ng mga scammer, una papakitaan ka nila ng maganda tapos in few day magbibgay na siya according sa % ng invest mo then syempre tayo maghihikayat tayo dahil legit kuno dahil may proof na nabigay siya ng %, after that pag madami na sumali sempre itatakbo na niya un dahil madami ng nakuha e.. kaya ako ayoko na maginvest sa mga hindi kilalang investment dahil ilang beses na din ako nascam buti 100$ lang ung pinakamalaki..

salamat ang iyong paksa ay may kabuluhan..

Link to post
Share on other sites
10 hours ago, raycent18 said:

Walang anuman..

Ang masakit dito, matalik na kaibigan siya ng aking magulang at nilang magkakapatid kaya ang dali dali magtiwala sakanya. Hindi namin alam nagbago na pala sya sa paglipas ng panahon :(

Kaya kayo talaga nako kahit gaano nyo kakilala ang tao, wag kayo magtitiwala agad

Link to post
Share on other sites
On 6/28/2019 at 7:57 PM, jinz said:

Nakakalungkot na pinagpalit ng kaibigan ng papa mo yung tiwala sa pera. Ang pera maraming paraan para makuha ulit pero yung tiwala napakalaking bagay kapag sinira.

Yun nga. Nakakainis. Lahat ng tiwala binigay mo kasi alam mong kaibigan mo. Nun pala nagbago na. Nakakainis lang kaya kayo nako kahit gano kaclose, wag masyado pagkatiwalaan.

On 6/29/2019 at 2:41 PM, komiks said:

i agree po, and pera ay demonyo, khit ganu mo kakilala ang tao, may chance parin na lokohin ka khit maliit o malaking halaga, ako, never ko ipagpapalit ang pangalan ko para sa pera, maraming way para kumita, d kailangan manloko ng tao.

Para saakin pre ang pera hindi demonyo. Nasa tao parin talaga. Ang dami ko ng kilalang yumaman sa maduming paraan pero meron din naman na sa malinis na paraan at may busilak paring puso. Pero tama ka sa sinabi mo, madaming way para kumita kaya di na kailangang manloko ng tao. Kaso ito din ang umaakit sa iba na manloko ng tao dahil malaki ang nakukuhang pera sa maduduming paraan. Haha

Link to post
Share on other sites
20 minutes ago, ceastem said:

Yun nga. Nakakainis. Lahat ng tiwala binigay mo kasi alam mong kaibigan mo. Nun pala nagbago na. Nakakainis lang kaya kayo nako kahit gano kaclose, wag masyado pagkatiwalaan.

May mga instances pa nga minsan na kapamilya na yung involve, yung mga taong sobrang lulong na sa sugal pamilya na mismo yung tinatalo. Nakakalungkot yung mga ganitong pangyayari.

Link to post
Share on other sites
On 7/1/2019 at 2:03 PM, jinz said:

May mga instances pa nga minsan na kapamilya na yung involve, yung mga taong sobrang lulong na sa sugal pamilya na mismo yung tinatalo. Nakakalungkot yung mga ganitong pangyayari.

Oo, naalala ko istorya ng tito ko.

Binigyan namin ng trabaho (involving pera sa business namin). Sa una ok ang lahat. Malaki kita namin, malaki din sweldo nya. Tapos ayun na nga  dumating na ang inaasahan. Unti unti na kami kinukunan ng pera tapos ipang sasabong o kaya pambibili ng bisyo. Bwisit talaga. Kaya di rin maiiwasang magka trust-issues samin eh. HAHA

Link to post
Share on other sites
7 hours ago, ceastem said:

Dati nung bata ako may kambing kami tapos isang araw nawala na lang. Ang sabi sa akin nawala yung kambing kasi tumakas tapos yun pala binenta ng papa ko para lang may maipang tongits. 😂

Kapag pera talaga ang usapan hindi maiiwasan ang trust issues dyan.

Link to post
Share on other sites
On 7/2/2019 at 11:23 PM, jinz said:

Dati nung bata ako may kambing kami tapos isang araw nawala na lang. Ang sabi sa akin nawala yung kambing kasi tumakas tapos yun pala binenta ng papa ko para lang may maipang tongits. 😂

Kapag pera talaga ang usapan hindi maiiwasan ang trust issues dyan.

Tumatakas daw o tinatakas nya? HAHA

Lalo na pag online, ang trust issues ko talaga maximum na kumbaga. 

Kaya ako di talaga ako mapagbigay o kaya mapagtiwala sa mga loans loans na yan. Nako lulugihin lang ako nyan. HAHA

Link to post
Share on other sites

mahirap talagang ipagkatiwala ang perang pinaghirapan sa isang tao kahit na ito'y nasabing matalik na kaibigan o kahit malapit na kapamilya

lumalabas ang ugali ng tao sa pera lalo na't ganung kalaking halaga.. maging aral sana sa inyo o sa bawat pinoy ang pangyayaring ito :)

Link to post
Share on other sites
Just now, yomzkie said:

Oo pre.

Mula nung nangyari to samin, lumaki ng sobra trust issues namin. HAHA

Hindi na kami ngayon nagtitiwala sa mga tao sa labas ng aming main na pamilya (nanay, tatay, kapatid) at hindi magtiwala sa mga tito, lolo, etc.

Kahirap kasi ang laki makabago ng ugali ng pera 😢

Link to post
Share on other sites

Hirap talaga pag magtiwala sa mga tao na magaganda iyong mga sinabe nila iyon lang gaya sa kapa o tingnan nyo marami ngang gusto nila ibalik  na alam na nga natin ay may nilabag sila sa batas . Ngayon kasi gusto ng mga ibang  kababayan din natin na mag kapera ka agad at iyong bahala system andyan parin.

Link to post
Share on other sites
  • 2 weeks later...

Kaya ako hindi ako agad naniniwala sa ganyan kahit nga sa mga nagbebenta online hirap akong maniwala eh. Yung tita ng katrabaho ko na scam din, nung nakaraang linggo lang nangyari. 

Mahirap talaga ang mascam o maloko, nasira na ang tiwala mo nawalan ka pa ng pera. Kaya dapat talaga mag iingat sa taong mapagbalatkayo at mapagsamantala. Lalo na sa panahon ngayon talamak ang mga ganyang galawan. 

Link to post
Share on other sites

Archived

This topic is now archived and is closed to further replies.

×
×
  • Create New...