Jump to content

Moneybees - Over the Counter na Pagbili ng Bitcoin


Featured Comment

Nabasa ko sa post ng isang kapwa Pinoy natin dito na gusto niyang magconvert ng PHP to BTC pero dahil may limitasyon sa bawat level sa Coinsph ay nahihirapan siya.

Kaya napasearch ako ng ibang maaaring gamitin sa pagbili ng Bitcoin maliban sa Coinsph at Abra. Isa ang Moneybees sa mga lumabas na resulta. Ayon sa profile nila, ang Moneybees daw ang unang over the counter na maaari mong pagbilhan o bentahan ng Bitcoin at Ethereum dito sa Pilipinas. Nakipagpartner ang Moneybees sa mga lisensyado sa gobyerno na mga remittance centers at money changers kaya siguradong legit ito.

Narito ang mga lokasyon ng partners ng Moneybees na maaaring puntahan para bumili ng Bitcoin/Ethereum:

MONTEAL MONEY CHANGER
Monday to Sunday
10:30 am to 7:30 pm
3/F Venice Grand Canal Mall, Mckinley Hill, Taguig

WILLYN VILLARICA JEWELRY
Monday to Sunday
11:00 am to 7:00 pm
Units 335 & 336, 3rd Flr, Market-Market, BGC, Taguig City

DOMINION PAWNSHOP AND MONEY CHANGER
Monday to Saturday
9:00 am to 5:30 pm
18 Mata St., Villamor, Brgy. 183, Pasay City

DOMINION PAWNSHOP AND MONEY CHANGER
Monday to Saturday
9:00 am to 5:00 pm
G/F Filmar Arcade Philcoa, Commonwealth Ave., corner Masaya St., Quezon City

PSULIT MONEY CHANGER
Monday to Sunday
11:00 am to 8:00 pm
2/F Cyber and Fashion Mall Eastwood City, Bagumbayan

 

Isang komentong nabasa ko sa Facebook galing sa nakapagtransact na sa Moneybees:

"Kapag sa moneybees kayo bumili, diretso na sa wallet address nyo yung Bitcoin. Di nyo na kailangan padaanin pa sa coins.ph or Abra. Anong maganda dito? Sila mag shoulder ng transaction fee mo. Buo nila papadala sa wallet mo yung amount ng Bitcoin na binili mo. Anong masama dito? Mas malaki yung spread nila vs. coins.ph and Abra."

 

BitcoinTalk thread tungkol sa Moneybees, credits na rin para sa mga location info:

 

Link to post
Share on other sites
On 8/3/2019 at 3:23 PM, ethsawin said:

Sana magkaroon din sa provincies mukhang maganda nga to.. Salamat

Sana nga dumami pa yung partners na remittance centers at money changers ng moneybees para mas convinient sa mga nasa probinsya.

4 hours ago, ceastem said:

Ito ay ligal?

Oo, trusted trader din yung may-ari ng moneybees sa localbitcoins kaya maraming nagvvouch na legit at legal ang moneybees. Search mo jbvillarante.

Link to post
Share on other sites
7 hours ago, chinitz said:

Ang lalayo naman ng mga lugar. Sana magkaroon yan sa bawat SM para medyo malapit lang sa lugar natin. Nakakatamad din kasing dadayo pa sa ibang lugar para lang bumili. 

Kaya nga eh, ang layo. Mas pipiliin ko na lang na magverify at magpataas ng level sa coinsph kesa dumayo pa. Maganda rin yung ideya na magkaroon ng partners sa mga SM, mas accessible kasi maraming lugar rin ang may SM.

Link to post
Share on other sites
  • 4 weeks later...

Pwede rin siguro alternative yung credit card. Ang pagkakaalam ko meron ding mga websites na nag aallow ng pagbili ng coins thru credit cards. Di ko lang sure kasi di ko pa nattry.

Mga tao kasi sa ibang bansa jusko di na mabubuhay ng walang credit card. Nag mall nga kami nuon ang pinto sa cr credit card lang pwede pambayad jusme ala pa naman ako credit card haha

 

Link to post
Share on other sites
  • 1 month later...
  • 2 months later...

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now

×
×
  • Create New...