Jump to content
truemeng

Mga Regulasyon at Alituntunin sa Chat

Featured Comment

MGA PAALALA SA CHAT:

1.   Iwasan ang spam, mangharas or manginsulto ng ibang manlalaro. Iwasan ang Caps.

  • Ang pag gamit ng sunod sunod na Chatbot commands ay isang uri ng spam. Maaring i-PM si chatbot kung nais magtingin ng maraming commands.
  • Hindi maiiwasan ang biruan at tuksuhan sa chat. Ngunit kailangan panatilihin ang respeto sa kapwa manlalaro. ang pag mumura at biro ay i-ayon sa taong kausap upang maiwasan ang pikunan at away.
  • Panatilihing malinis ang chat. Ang mga biro na sexual at sensitibong usapan ay iwasan hangga't maari. (sex, relihiyon at politika)

2.   Mahigpit na ipinagbabawal ang pag share or pag lantad ng Personal na impormasyon ng ibang users. Ang pag labang sa alinman sa mga sumusunod ay may parusang Permanent Mute.

  • Respetuhin ang Privacy ng kapwa manlalaro. Ang pag lalahad ng personal na impormasyon ng iba na walang pahintulot - Pangalan, address, Facebook at kahit na anong detalye na patungkol sa pribadong buhay ng manlalaro ay mariing ipinagbabawal.
  • Ang paglalahad din ng sariling impormasyon kung saan maari kayong macontact o makausap  sa labas ng stake ng kapwa manlalaro ay hindi pinahihintulutan. (telegram, whatsapp, Discord, atbp.)

3.   Mahigpit na ipinagbabawal din ang paghingi ng tips, rains, at loans. Ang pagaalok ng pagpapadoble o pag-"ride" sa coins at taya ng ibang manlalaro ay maaring magresulta sa Ban.

  • Iwasang batiin, magpasalamat o murahin si Rain-bot at RainbotNG. magpasalamat sa user na namahagi, ngunit hindi sa rainbot. Iwasan din ang mga salitang "sayang" "lagpas" "di nakasali" "di nakaabot" “sana all” at kung ano ano pa.
  • Ang utang at trade ay hindi sinusuportahan ng stake.
  • Iwasan ang Passive begging o panghihingi ng tips. ang mga pahaging na paghingi at pagpaparinig ay ipinagbabawal.

4.   Iwasan ang mga kahina-hinalang gawain na maaaring makita bilang potensyal na scam.

  • Iwasan gumamit ng mga URL shortening services. Laging i-chat ang tunay na link.
  • Iwasan din ang magshare ng mga referal links at wallet address sa chat. maari itong magresulta sa perm mute o Ban.
  • Ang pag eendorso at pag-promote ng mga streams at channels ay mahigpit ng ipinagbabawal. Ang mga streams ay para sa mga “stake official Streamers” lamang. (twitch, youtube, telegram, atbp.)

5.   Isang account para sa isang manlalaro sa chat.

  • Ipinagbabawal ang pag gamit ng bank o alt sa chat. Maaring gumawa ng iba pang account ngunit Isang account lamang ang maaring gamitin sa LAHAT ng chat.  
  • Iwasan ang pag gamit ng ibang account sa chat kapag muted ang main account. Mute evasion ito at maaring humantong sa mas mahabang oras ng mute o Perm.

6.   Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpahiram, pamimigay at pagbebenta ng account sa ibang manlalaro. Maari ma-Ban sa buong site ang mahuhuling gumagawa nito.

  • Ang hiraman ng accounts sa magkapamilya o magkaibigan ay hindi pinhihintulutan.

7.   "Filipino Chatroom" - Hangga't maaari ay Tagalog sana ang ating mga chat.

  • Maaaring gumamit ng Ingles kung may kausap na kapwa manlalarong Pilipino sa Filipino Chatroom na nakakaintindi nito.

 

 

SA FORUM:

  • Isang account lamang ang maaring gamitin sa forum. Bawal ang pag gamit ng dalawa o mas marami pang account.
  • Panatilihing makabuluhan at may saysay ang usapan dito. Ang pagmumura at pagaaway ay mahigpit na ipinagbabawal.
  • Nawa ay panatilihin po nating malinis, spam-free at friendly ang ating forum.
  • Iwasan din ang usapang loan at trading sa forum. Hindi sinusuportahan ng stake ang mga ito.
  • Hindi pinahihintulutan ang magpost ng sites/links na hindi related sa Stake.com, bitcoin at sugal.

 

 

**Kung may mga katanungan o mungkahi, mangyaring i-PM alinman sa ating Filipino moderators: @truemeng at @xtinepink.**

MARAMING SALAMAT PO :)

 

 

Share this post


Link to post
Share on other sites
Guest
This topic is now closed to further replies.

×